Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang ito tuwing buwan ng
Agosto bilang pagpapahalaga sa ating wikang pambansa.
Taon-taon ay isinasagawa natin ang pagdiriwang ng
"Buwan ng Wika". Ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan at
kabilang din ang mga pribadong paaralan ay idinaraos sa tuwing pagsapit ng
Agosto. Nagkakaroon ng palatuntunan at paligsahan. Ito ay mga paraan ng bawat
paaralan bilang paggunita sa buwan ng wika. Ang pagtangkilik ng ating sariling
wika ay isang paraan ng pagkakaisa ng bawat mamamayang Pilipino.
Lahat ng bansa ay may kanya-kanyang wikang ginagamit. Kaya
dapat natin tangkilikin ang ating sariling wika para tayo ay lubos na
magkaintindihan. Ugaliin natin itong gamitin sa lahat ng oras.

No comments:
Post a Comment